Parang kailan lang nung bata pa tayo, akbay mo ako sa kanang balikat habang sabay tayong pumapasok sa Jollibee, Parang kailan lang ng mag simula akong maging taga hanga mo sa pag lalaro mo ng basketball, parang kalian lang habang kasama mo ako sa pakikipag-date mo, parang kailan lang ng maramdaman ko ang hagupit ng palo ng kawayan sa puwit ko dahil sa pakikipag away ko sa kalaro ko, parang kalian lang ng damayan mo ako at gabayan at bigyan ng suportang moral sa mga bagay na hindi ko naiintindihan.
Kailan lang yung parang kailan na yun, ilang beses ba akong nadapa, ilang beses ba akong nagkamali, ilang beses ba yung ilang beses na yun. Ngunit yung ilang beses na yun at yung parang kailan lang, ni minsan hindi ko nagawang magpasalamat at humingi ng patawad.
Maaring nagkamali ako, naligaw ng daang tinahak ngunit dahil sa suportang moral na yong itinanim sa pusot isipan ko nagawa kong tumayo sa aking paa, na may moral at walang taong sinasagasaan. Nagawa kong intindihin kung ano ang buhay, kung ano ang silbi ko sa lipunan. Nagawa kong mabuhay at mamuhay na may pag-asang tinatanaw
Maaring nagkamali ako ngunit unti unti kong iyong itinatama, sa paraang itinuro mo sa akin
Dahil dun gusto kong magpasalamat. Di lang tungkol ang lahat ng ito sa pinansyal o material at suportang moral, kundi kung ano ang tumatakbo sa isip ko, kung ano ang tinitibok ng puso ko, kung ano ang pananaw ko sa buhay, utang ko sayo ang lahat ng yon.
Sa suportang ibinigay mo, nabigo man kita pero masaya akong natuto ako. Ni isang salita di ako nakarinig, ni sumbat wala kang sinabi. Salamat at natuto ako sa pagkakamali ko.
sa lahat ng sakripisyo mo para sa amin, sa pagiging isang kapatid na masasandalan maraming maraming salamat.
Sana magawa ko ring akayin ka sa yong pagtanda, akbayan na parang kailan lang habang pumapasok tayo sa Jollibee.
Wednesday, July 22, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment